Sinusuportahan ng CaIABLE ang Pinansyal na Seguridad at Kasarinlan para sa mga Taong May Kapansanan
Ano ang CaIABLE?
Ang CalABLE ay bintahang buwis na mga ipon at pamumuhunang plano para sa mga may kapansanan. Pinangyayari ng CalABLE ang mga benepisyaryo na makapag-ipon ng hanggang $19,000 sa isang taon sa walong portpolio na pinamamahalaan ng propesyonal, at ang nagastos na kita sa pamumuhunan sa mga kwalipikadong gastusin ay libre sa buwis. Karagdagan pa, ang mga benepisyaryo na makakatanggap ng Supplemental Security Income (SSI) ay makaipon ng hanggang $100,000 habang minamantini ang mga benepisyo ng SSI. Maaaring buksan at pamahalaan ng taong may kapansanan o ng kanilang kinatawan. Sa isang CalABLE account, maaari kang mag-ipon para sa hinaharap at makapaghanda para sa panghabang-buhay na pinansyal na kasarinlan.
Sino ang karapat-dapat para sa CalABLE?
Mga karapat-dapat na indibidwal:
Bulag o may kapansanan na nagsimula bago ang edad na 26* (ngunit ang account ay maaaring buksan sa anumang edad)
Mayroong social security number o tax identification number (hindi kailangan ng pagkamamamayan ng US)
Mayroong permanenteng address sa US na hindi PO box
Paano natutukoy ang pagiging karapat-dapat:
Ang benepisyaryo ay makakatanggap ng SSI (Supplemental Security Income) o SSDI (Social Security Disability Insurance) batay sa pagkabulag o kapansanan
O
Mayroong kapansanan ang benepisyaryo na kasama sa Listahan ng mga Kapansanan Listahan ng Compassionate Allowances Condition ng Social Security Administration.
Maaaring magbukas ang may-ari ng account ng isang account sa sarili nilang paraan kapag mayroon silang ligal na kapasidad, o maaari silang ipagbukas ng iba para sa kanila bilang isang Awtorisadong Ligal na Kinatawan (Authorized Legal Representative O ALR). Para sa higit na impormasyon tungkol sa ALRs, mangyaring bumisita sa aming ALR page.
*Pasimula sa Enero 1, 2026, ang edad na kinakailangan ay tataas upang mabigyan ng palugit ang mga indibidwal na may kapansanan na nagsimula bago ang edad 46.
Magkano ang gagastusin sa pagbukas ng account?
Walang babayaran sa pagbukas ng account - makakapagbukas ng mga account na mayroong paunang kontribusyon na hindi bababa sa $25.
Paano ako makakaalam pa nang higit tungkol sa CalABLE?
Para sa higit na impormasyon tungkol sa CalABLE, matatagpuan ito online, naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga babayaran at gastos. Mangyaring tandaan na ang website ng CalABLE at pahayag ng pagsisiwalat ng programa ay kasalukuyang available lamang sa Ingles at sa Espanyol at ang online portal ay available lamang sa Ingles.
Isaalang-alang ang mga layunin, panganib, singilin at gastos sa pamumuhunan bago mamuhunan sa California 529A Qualified ABLE Program (CalABLE Program). Mangyaring tumawag sa toll-free 833-Cal-ABLE (833-225-2253) o basahin ang aming Pahayag ng Pagsisiwalat ng Programa (Program Disclosure Statement o PDF) na mayroong kasamang mahalagang impormasyon tungkol sa programa. Basahin itong mabuti.
Bago mamuhunan sa alinmang programang ABLE, dapat mong pag-isipan kung ang iyong estadong tahanan (home state) ay naglalaan sa mga nagbabayad ng buwis ng paborableng buwis ng estado o iba pang mga benepisyo na available lamang sa pamamagitan ng pamumuhunan sa programang ABLE ng estadong tahanan. Dapat ka ring sumangguni sa iyong tagapayo sa pinansyal, buwis, o iba pang tagapayo para makaalam pa nang higit tungkol sa kung paano kakapit ang mga benepisyong pang-estado (o anumang mga limitasyon) sa iyong espesipikong kalagayan. Maaaring naisin mo ring direktang makipag-ugnayan sa ABLE program ng iyong estadong tahanan, o anumang iba pang ABLE program, para makaalam pa nang higit sa mga katangian ng planong iyon, mga benepisyo at limitasyon. Ang mga benepisyong pang-estado ay dapat na isa sa maraming angkop na mahahalagang salik na isasaalang-alang kapag gumagawa ng desisyong pamumuhunan.
Iniaalok ng Estado ng California ang CalABLE Program. Ang Vestwell State Savings ang tagapamahala ng programa. Ang Vestwell Advisor LLC ay ang tagapayo sa pamumuhunan na nakarehistro sa Securities and Exchange Commission.
Wala sa Estado ng California, mga ahensya nito, Vestwell State Savings LLC o Vestwell Advisors LLC o alinmang angkop na kasosyong mga insure accounts o gumagawa ng anumang representasyon o garantiya tungkol sa performance ng alinmang pamumuhunan na inaalok ng Program. Lahat ng pamumuhunan ay may panganib at maaaring mawala ang prinsipal na halagang pinuhunan. Hindi rin sila nagbibigay ng payo sa ligal, pinansyal, buwis, pamumuhunan sa sinumang indibidwal. Ang FDIC-Insured Portfolio ay FDIC-insured na hanggang $250,000, sumasailalim sa partikular na mga paghihigpit. Ang mga interes sa CalABLE Program ay hindi nakarehistro sa o sa anumang paraan ay aprubado ng Securities and Exchange Commission o sa pamamagitan ng anumang securities commission ng estado.
Ang website ng Program at lahat ng content na inilaan sa iyo na nauugnay sa programa ay para sa pang-impormasyong layunin lamang, at hindi pag-aalok o pagbebenta o paglilikom ng isang alok para bumili o magrekumenda ng anumang security, pamumuhunan, o estratehiya. Ang gayong alok o paglilikom ay maaari lamang gawin sa pamamagitan ng Pahayag ng Pagsisiwalat.
Ang website ng Program ay naglalaman ng mga link patungo sa iba pang mga website. Wala sa alinmang Plano o Vestwell State Savings LLC at sa mga kasosyo nito ang may pananagutan para sa o independyenteng pag-verify ng nilalaman ng mga Web sites na iyon. Ang katumpakan ng impormasyon na nasa mga site na iyon ay hindi makokompirma.
Ang Prepaid Card ay inisyu ng Sunrise Banks N.A., St. Paul, MN 55103, Member FDIC, alinsunod sa lisensya mula sa Visa U.S.A. Inc. Maaaring gamitin ang card na ito saanman tinatanggap ang mga Visa debit card. Ang paggamit ng card na ito ay nagpapahiwatig ng pagtanggap ng mga tuntunin at kundisyon na nakasaad sa Kasunduan ng Cardholder.
Master Services Agreement (Cardholder Agreement) | Sunrise Banks Privacy Policy
Ang Vestell o CalABLE ay hindi tagapayo sa pamumuhunan o sa buwis at hindi nagbibigay ng buwis, ligal o iba pang payo sa pamumuhunan. Dapat kang sumangguni sa isang angkop na propesyonal na tagapayo o konsultasyon kung mayroon kang mga tanong na nauugnay sa mga buwis o pamumuhunan. Pag-isipan ang mga layunin ng pamumuhunan, panganib nito, mga bayarin at gastusin bago mamuhunan sa CalABLE program Ang impormasyong ito ay available sa Program Disclosure Statement sa pamamagitan ng pagbisita sa calable.ca.gov o sa pamamagitan ng pagtawag sa toll-free 833-Cal-ABLE (833-225-2253). Basahin itong mabuti.